Saturday, February 28, 2009


BUHAY HAYSKUL
tigierz /2001/



Sa unang pagbungad sa harap ng paaralan;
Pinaghalong tuwa at kaba ang siyang naramdaman,
Tuwa sa bagong karanasang haharapin,
Kaba sa pag-aakalang hirap ang daranasin.

Maraming kaibigan agad kong nakilala;
Mukha ng mga guro'y tunay na kaaya-aya,
Bagong tanawin ng paarala'y makikita,
Na para bang sa aki'y lubos na nakahalina.

Ang buhay hayskul tunay ngang nakalilibang,
Lalo na't marami ang masasayang karanasan.
Kahit na minsa'y mahirap ang pinag-aaralan,
Basta't nandyan ang barkada, tuloy ang kasiyahan.

Tunay kung may saya, may hirap ding daranasin.
Nandyan at patung-patong mga takdang aralin,
Mga tanong sa pagsusulit, tila walang kasagutan,
At ang mga proyektong sa akala'y wala nang katapusan.

Ang buhay hayskul tunay ngang kasiya-siya,
Kung ang lahat ng paghihirap ay iyong makakaya,
At ang pagsuko ay kalimutan mo na,
Dahil ang buhay hayskul, walang kaparis talaga!

No comments: