Tuesday, September 15, 2009


KNOCK OUT!!!!
tigz 09/15/09

First round... exciting!
Tantyahan sa suntok na padating.
The best lalo 'pag eye to eye ang kalaro mo,
At di mo alam susunod na galaw ng kanyang kamao.

Round two... lapit-lapit portion na toh!
Ayan at natapos na ang tantyhan,
Kaya sige lang wag nang magkahiyaan,
Pakawalan ang nararamdaman ng kalooban.

Round three... happiness!
Todo na ang suntukan ng magkabilang panig.
Di na paaawat sa mga umiigting na damdamin.
Makapigil hininga na ang bawat eksenang paparating.

Round four... hala ka!
May panghihina ka nang nadarama.
Pagkat ibinuhos mo ang lahat sa laban.
At mukhang di kampi sa 'yo ang kapalaran.

Round five... sugatan!
Ayan kawawang bata ka naman.
Di ka man lang umilag sa bawat suntok ng kalaban.
Puro tanggap lng ang iyong nalalaman.

Round six... huling baraha!
Di pa din tapos ang laban, tumayo ka't tinuloy ang laban.
Wala ng pride-pride... kahit ika'y pagtawanan.
Todong-todo na ang pagsuntok... wala ng atrasan.

Ting! Ting! Ting...
O, bakit ka luhaan? Dahil ikaw ay talunan?
Sabagay, talunan ka nga sa labanan,
Kaya sige, iiyak mo ang kasawian.
Sisihin mo sarili mong katangahan.
Carried away ka kasi sa bawat round ng laban.
Ni hindi mo inisip game plan ng kalaban.

First love... inakala mo nung round one?
Round two... hayun, kaharutan pinairal.
Round three... nagpadaya ka nang tuluyan.
Round four... katangahan na sa laban.
Round five... masukista na ang drama.
Round six... winner at champion ka na sa kagagahan.

Hayyy... hirap talagang manalo sa boksing ng buhay.
Lalo pa kung puro puso lang ang pinaiiral.
At suntok sa hangin lang iyong mga pinakawalan
Pagkat mahal mo ata ang iyong kalaban.

WEEE!!! Bleehh!!! hahahahahahaha!!!!


Friday, July 17, 2009


SWEET MEMORIES?
tigay tigierz 07/12/09

Years have gone by,
Under this same old sky.
Where the beauty of life's celebrated,
With love being shared and dedicated.

The time indeed has flown so fast,
Like a bursting bubble with a silent blast.
Over the years I've kept within me,
A feeling so strong of which I felt for thee.

With embrace of sweetness of love,
That brings warmth that I love to have.
A feeling that has taken me to the abyss,
That can only be measured by a single kiss.

But in this world everything is changing.
And not all is meant for a happy ending.
Even the feeling that seems to be true,
Can be a question if it's truly for you.

Those moments that I'm longing to feel again,
Making me feel blue, whenever I'm reminiscin'.
'Cause flashbacks of thoughts with love on those days,
Are all just but --- fake sweet memories. :'-(

Saturday, February 28, 2009


... = ...S A N A ... = ...
tigierz /2004/

Sa twing darating ang eleksyon,
Lahat ay umaasa sa bagong administrasyon.
Piso kaya'y muling makabangon,
At malagpasan ang bawat hamon?

Sana'y umunlad na ang bayang Pilipinas.
Malayo sa hirap at mga pulitikong ahas.
Nang sa gayo'y bayan nati'y umunlad,
Pagkat ito'y kaytagal nang hinahangad.

Sana sa bagong administrasyon,
Masupil na ang kurapsyon,
Nang sa muli, Pilipinas ay makaahon,
At magkaron ng pag-asa ang bagong henerasyon.

Sana'y malutas na ang kahirapan,
Sana'y maayos na ang lipunan,
Sana'y lumago na ang ating kabuhayan,
At sana mga "sana" ay mauwi sa katotohanan.



ESPERANZA
tigierz /2004/

"La juventud es la esperanza dela patria."
-Jose P. Rizal


Isa, dalawa, tatlo... mga pulubi sa lansangan,
Sa puso nyo'y kakatok sa tuwing pagmamasdan.
Sa makabagong panahon, silang mga kabataan,
Maituturing pa kayang pag - asa ng bayan?

Ang magulong lansangan ang kanilang tahanan,
Awa ng madla, kanilang inaasahan.
Baryang ihahandog, sa twina'y inaasam,
Pagkat sila'y musmos, sa mundo'y walang muwang.

Mga magulang kaya nila ay nasaan,
At naatim nilang sila'y pabayaan.
Paano na ang kanilang kinabukasan,
Kung buhay nila'y sira na sa kasalukuyan?

Sa pagdaan ng panahon, sila kaya'y katatakutan?
'Pagkat baka sila'y hari na ng lansangan.
Silang sagisag na ng pambansang kahirapan,
At ituturing na kanser na ng lipunan.

GRADUATION
tigierz /2002/

Kaybilis na lumipas ang apat na taon,
Halos 'di napansin ang nagdaang panahon.
At sa ganda ng isang makulay na kahapon,
'Di inaasahang darating ang isang ngayon.

Mga magsisipagtapos pagtuunan ng pansin,
Ang mababakas pinaghalong damdamin.
Sa ilan ay lubos ang tunay na kagalakan,
May ilang 'di maitago, kanilang kalungkutan.

Sadyang kayhirap tanggapin sa damdamin,
Na kahapon 'di na muling darating.
Kung mga alaala'y nais muling balikan,
Tanging pagbabalik tanaw iyong maaasahan.

Ang buhay eskwela nakalibang sa ilan,
Lalo na sa ibang masasaya ang karanasan.
Halos buong linggo, lumilipas sa paaralan,
Ang ganitong nakasanayan ang ayaw maiwanan.

Tunay lahat ng bagay ay mayroong hangganan,
Ngunit lagi nating pakakatandaan,
Ang graduation ay hindi katapusan,
Kundi simula lamang ng bagong kinabukasan.

YOU


IKAW
tigierz /2002/

Ikaw, ikaw, ikaw...
Itinuring kong 'sang tunay na kaibigan,
Sa lahat ng oras aking maaasahan,
Tanging uunawa sa aking mga kahinaan,
Ay siyang makakasama magpakailan pa man.

Ikaw, ikaw, ikaw...
Itinuring kong higit pa sa kapatid,
Na tanging sa buhay ko'y walang kapalit,
Kaya't pagdurusa n'yo hatid sa puso ko'y pasakit,
Kaya naman tuwa't galak nais ko sa bawat saglit.

Ikaw, ikaw, ikaw...
Itinuring kong katangi-tanging makakasama,
Na sa t'wing kapiling ko'y bawat oras ay ligaya,
Kaya pati sa pagtulog ko'y asam ko ang umaga,
Nang sa muli, buong araw tayong magkasama.

Ikaw, ikaw,ikaw... kayong lahat!!!
Inakala kong tunay na mga kaibigan,
Inakala kong kapatid na masasandigan,
Inakala kong kasamang maasahan,
Ngunit... ang lahat pala'y kabulaanan




= B A R K A D A H A N =
TIGIERZ /2002/


Mula sa iba't ibang lugar na pinagmulan,
Tayo'y pinagtagpo ng ating kapalaran.
Nagkakilala't agad nagkapalagayan,
Hanggang unti-unti'y nabuo ang barkadahan.

Sa tuwi-tuwina tayo'y magkakasama,
Hindi lamang sa hirap kundi maging sa ginhawa.
Alam nating tayo'y di lamang magkakabarkada,
Kundi tayo'y isa nang malaking pamilya.

Minsa'y tunay na mapagbiro ang kapalaran,
Tila sinusubok ang tatag ng ating samahan,
May mga tampuha't 'di pagkakaunawaan,
At pagbabangayan ang agad na hinahantungan.

Subalit dahil tayo'y tunay na magkakaibigan,
Hindi natin matiis ang 'di pag-iimikan.
Kung kaya't tinatanggap ang bawat kamalian,
Upang sa muli ay mabuo ang samahan.

Salamat na lamang at may mga kaibigan,
Ating nakakasama, ating maaasahan.
Tangi kong hiling sa bawat kong panalangin,
Sana'y hanggang wakas... buo ang barkadahan.